Problemang pagibig

E hindi ba lahat naman tayo may problema? Sino bang magsasabing "wala akong problema" e ipakilala nyo ... dadagukan ko sabay bunot sa mahabang buhok sa ilong na nakalimutang gupitin! tapos, bibigyan ko ng classic bugbog with matching ponpyang in the end na ala FPJ para magising sa katotohanan. E kasi naman, itaga nyo sa bato, ipapuputol ko ang kuko ko kapag nagkaroon ng perperktong buhay sa mundo. Yun nga lang iba iba yung antas ng mga problema natin at iba iba din yung paraan natin kung pano harapin yung problema...

Isang magandang halimbawa, problema sa pag-ibig. Ehem, maraming magtataas ng ahit na kilay na akala mo kumpleto't masaya sila na para bang walang problema sa puso. Mga unggoy! Yun ang akala nyo... 'ika nga sa love guru: "if you think you're happy, think again!"

May kaibigan akong tumawag kagabi, anakampotah umiiyak... humagulgol... nakakairita na nakakatawa... Halos maluha ako sa katatawa pagkatapos ko ibaba yung telepono kasi siga-siga dito bandang amin yun. Ewan ko ba, sabi ko na lang sa sarili ko magulo talaga ang pagibig.. sa sobrang gulo nito e kahit pa baliktarin mo yung sasabihin mo tatama ka pa rin...katulad na lang kung akala mong hindi mo na kaya, magugulat ka na lang at kaya mo pa pala, at kung minsan naman akala mo kaya mo pa yun pala hindi na at bigla ka na lang susuko. Mahirap ipaliwanag pero maraming eksplenasyon. exciting na boring, masarap na masakit. Mahirap na madali. Mabilis na mabagal din . Magulo ba? hindi no maayos ko ngang sinasabi sa inyo e...

Maraming nagagawa ang pag-ibig na tila ba nakakatawa talaga. Yung matatalino nagiging bobo. at yung walang alam, nagiging henyo.Yung mga babaero natotorpe at yung mga torpe naman e nagiging chickboy. Yung mga may asawa, nagiging binata't dalaga, Yung mga maton, umiiyak na parang bakla. yung mga jokla naman e... ewan ko na rin e... Yung maraming pera, namumulube at yung walang pera naman e yumayaman. Yung matataba e pumapayat, at yung mga payat naman e nabobondat. Yung mga siga nga sa kanto na mas matapang pa sa asong nireregla e nagiging mas maamo pa sa kinapong tupa. At kung yung iba e nagpapakamatay, yung iba naman e nagkakaron pa ng dahilan para mabuhay, tsk tsk... pag-ibig kasi ang may kagagawan lahat nyan...

Balik tayo sa problema... Bwakanang yan din kasi talaga... may pa-advice advice ka pang nalalaman d'yan at akala mo ikaw si joe d'mango kung magsabi kung anong gagawin pero kapag ikaw na ang involved, nawawalan ng kwenta lahat ng pinagsasasabi mo. Nagmumuka kang bata, Ang dami mong alam pero wala pala. D'yan ko napatunayan na totoong parang larong chess lang yan at kung ikaw ang naglalaro at akala mo ang galing galing mo na e yun pala maraming galaw na hindi mo nakikita, akala mo mate ka na... at yung mga nanonood lang sa inyo yung may alam para maka-stale mate ka pa. Kaya minsan kailangan talaga mo ng advice mula sa ibang tao kasi marami silang nakikitang hindi mo alam.

Hay buhay nga naman... lalo na sa pagibig, madalas akala mo eksperto ka na yun pala immature ka pa.

11 Ang mga Umepal:

-=May=- said...

hmmm.. well said... very true.. mashadong malawak ang salitang pagibig. kaya nga hindi inoffer na course yan sa college. kasi pag nagkataon, mamamatay lahat ng tao ng hindi gumagrduate... hahaha :p

The Gasoline Dude said...

Hahaha sa mga huling linya mo, sarili mo ba tinutukoy mo? *LOLz*

Ganun talaga ata 'yun. Mas nagiging logical ka kapag ibang tao na ang may problema sa pag-ibig.

EL HOMBRE said...

WOW!!!!ANGAS ng bagong layout mo pre! astig sa color combi...halatang wala ka na maxadong ginagawa jan a.heheheeh..

parang na eenganyo n nman akong mag blog ulit.hehehehe..

Toni said...

ganyan talaga!yan ang spice sa buhay eh.masakit,mahirap pero masarap din naman!

:)

JAJA NOBLE said...

gnun?..nakakaiyak nmn yan..heheheheh..e2 nga o..habang ngccomment ako sau..2mu2lo luha ko..pti sipon e..nd ko n ma-control..pag 2ngkol s luv tlga..tsk..tsk..nyahahahahahhaha..

jojitah said...

wow! basta isa lang masasabi ko. inlababo ako! lols! ay hindi lang pala isa yan.

pero amen sa lahat ng sinabi mo. ano nga yun? lols!

ganda layout mo turon!

RonTuron said...

bloom: ouch ka jan.. hehehe

may: dami mong alam! haha

gas dude: mukha bang ako??? hahaha.. ndi pre, slight lang! haha

pajay: hahaha, blog lang ng blog!!!

toni: korek ka jan!

jaja: oi bday ni tianak, wag ka mawawala! hehehe

jojitah: haha, salamat... amen ka pa ha! hehe

UtakMunggo said...

dahil takot ako sa iyo, sasabihin kong may problema ako kahit na wala naman.

una sa lahat, sira ang bakyoom ko. pangalawa, na-constipate ako noong isang araw at takot akong maulit na naman mamaya o bukas. pangatlo, ang ganda ganda ko hindi ako makapasok ng bahay na walang nagpapa-awtograp saken...

problemang lablayp? kung pipilitin ako ni george clooney, posibleng makitikim ako ng forbidden prot.

yun lang naman.

buzzing flowerpecker said...

natawa ako..hehehe. sa post na to, hindi naman nagmukhang problema yung, duh, "pag-ibig."

hahaha.

Dhianz said...

ronturon said: Kaya minsan kailangan talaga mo ng advice mula sa ibang tao kasi marami silang nakikitang hindi mo alam.

---pinost moh toh kuya ronz sa page ni ronlukeRN... nakitah koh lang i know itz suppose to be for him... eniweiz... luv diz post... and i luv wat u said... lalo na yang part na yan... itz so true... kc nga naman minsan tlgah... nagiging bulag kah sa pag-ibig... hayz...nag-koment lang... =)

Custom Search

A Slice of Turon 2009 Theme by RONTURON. Powered by Blogger
-