Nazur Inshallah! (Kakesohan V.2)

Iilan na lang kaming talagang magtro-tropa, marami pa rin akong kaibigan pero konti na lang yung masasabi kong tropa ko. Dati kasi nung nasa-Mapua pa ko e humigit limampu (50+) kami lahat sa tropa! Hangdami dami dami talaga. Aba't akalain mong mas marami pa kami sa pinagsama-samang fans ng cueshe na pupunta kung sakaling magko-concert sila.

Tapos may tambayan kami dun sa intramuros. Kung hindi mo pa nababasa yung parehong post ko e klikik mo to. Maraming masasayang biruan, maaalat na pikunan, at maaanghang na sagutan ang naganap. (lahat dahil sa babae.. joke) total package nga yung tropa e pero ganun pa man totoong binago na ng panahon lahat. Dati kasi kapag may makita ka lang sa tambayan e ampotang magdadagsaan na lahat, tapos magkakayayaan ng mag-bilyar o di kaya e maglaro ng counter-strike o starcraft. Ganun lang. Minsan yayaan ding inuman. Tapos papasok ng lashing sa klase. hehe (hindi ako yun) Nakaka-miss lang lahat kung iisipin.

konti na lang tropa ko pero masasabi kong...
...kaibigan ko talaga y
ung mga natira.

Para sayo tong post na to Pat!

anakanamp! ingat sa pagalis mam'ya papuntang Dubai. 'Sang bwan 'lang pala tayo magkakasama dito sa Pinas. Nakanampooch ka naman o. Sabi ko kasi e pauwiin mo na lang si klara tapos igapos natin dito tapos tayo naman yung magwala kesa susundan mo sya sa Dubai. Tapos dito kayo maginumang 2 habang nagcha-chat sa YM. dun ka sa Tandang Sora tapos dun sya sa La Union, isipin nyo na lang na hindi kayo parehong nasa Pinas. Pwede na yun. Hehehehe.

Ingat sa byahe. Kita kits na lang neks year, tapos kumusta mo ko sa tropa d'yan sa Dubs okey? Baka sumunod din ako d'yan depende sa lagay ng panahon dito sa Pinas. Mukang tagilid e... hindi ako sanay sa ganitong buhay dito sa Pinas... hahahaha... basta usap na lang.


5 Ang mga Umepal:

things&thongs said...

Sino ka kaya jan? Uyy ayaw umamin hehe : )

bloom said...

hahahaha! i know i know! hahahahahah! ikacopy paste ko to.. tas ieedit ko sa pait.. lalagyan ko ng cirlce kung sino si kuya ron! wahahahahaha.. omg. hahahaha! tas ipopost ko sa blog ko! hahahahaha! :p

RonTuron said...

things: sikreto! hehehehe

bloom: sharrap! hahahaha

drama_kwin said...

hmmm...sinu nga kaya?.eb tayu! bwahahaha

Anonymous said...

alam ko kung sino ka jan. ikaw ung me pinakamaiksing daliri.hehe.jay manalo nga.lol

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | cna certification