MAMLAKA AL ARABIA AL SAUDIA

Naranasan mo na bang naglalakad ka tapos naka amoy ka ng beef shawarma, hmmm.. sarap tapos bigla kang magugutom. Kakalam yung t'yan mo, tapos bigla mong mapapansin na yung katabi mo pala yung naaamoy mo tapos bigla kang masusuka, maduduwal, at babaliktad yung sikmura? ako naranasan ko na yan dito sa mga bwakanang arabo dito. Isa yan sa mga hindi makakalimutan kasi gumuhit na sa ilong ko yung mga amoy nila. Minsan nga kahit wala akong katabi naaamoy ko sila. napapaisip tuloy ako kung ako yung amoy arabo pero hindi naman. tila ba parang schizophrenic na yung ilong ko at palaging nagiimagine ito na may katabing arabo kahit wala naman.

HOY HINDI AKO MABAHO! baka kasi isipin nyo na sarili ko naaamoy ko e! naliligo ako araw at hindi ako dugyot. minsan lang! hehehehe... pero hindi ito ang gusto kong sabihin, ang ibig kong talakayin ngayon para sa mga masusugid kong mambabasa (sabi ko nga patuloy na silang dumadami... 4 na sila lahat) ay ang nalalapit na pagalis ko sa bansa ng Arabia.

mami-miss ko rin ang bansang pinaggugulan ko ng sampung bahagdan ng buhay ko. Ibig sabihin ay sa bawat 10 araw na inilagi ko sa mundo, isang araw dito ay nasa Saudi ako. Mahaba haba din kung aking iisipin. Ang bansang ito ang nagmulat sa akin sa maraming katotohanan sa buhay. Dito ko nalamang ang manok pala at ang kusina ay iisa lang. (One client asked me to design his villa requesting to provide two chickens at the rear end of his lot...napaisip agad ako bkit manok... Chicken? I asked. He said yes, one main chicken and one dirty chicken...) Anakanamp! kitchen pala naman e! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! HUwaaaat? pero pinapalagpas na lang namin ito kasi madalas naman nangyayari ito dito sa opisina.

Ang isang kilong baboy e 600.00 Pesos! Wah! Believe me minsn pa nga P750 depende kung saan at kung kanino mo binili... mahal kasi this is due to its utter scarcity. Bawal kasi ang baboy dito ( hindi ko lang talaga alam kung bakit nakapasok si Jay sa Saudi) at iniimport pa ito mula sa Bahrain.

Anyway, mamimiss ko ito lahat sa totoo lang including lahat ng mga taong nakasama ko sa loob ng mahigit 3 taon. Hindi naman ganun ganun lang yung mga pinagsamahan natin. Mamimiss ko yung mga lokohan natin sa kwarto kasama yung lover boy na sa sobrang gwapo e exercise na lang ang kulang perfekto na sya. Mamimiss ko yung tawanan natin kasama si Boy Bawang na sahog sa lahat ng ulam. Mamimiss ko yung asaran natin tungkol sa unggoy nating kasama sa kwarto at pati na rin yung pensyonado nating boarder dati. Mamimiss ko yung maliliit na tampuhan dahil sa instant pancit canton. Pati yung indianong nagmumura ng tagalog sa tindahan mamimiss ko rin! Maraming marami akong mamimiss at hahanap hanapin pero ganito talaga ang buhay. Marami kang iiwan at kailangan talikuran upang maipagpatuloy ang nasimulan.

Actually, i could still think of more things about this country but still i'd rather keep them on my own. Whew, can't imagine i'll actually be saying this but on the contrary to what majority of the Filipinos i know might say, i learned to actually like this country, setting aside all those rough times. Of course, hindi naman maiiwasan yun. Every country has its flaws. We just have to learn to live with it.

"for every end there's a new beginning" and soon i'll begin a new life...



3 Ang mga Umepal:

-=May=- said...

hehe.. baka nga ikaw lang yun naaamoy mo.. umamin ka na :p

JoShMaRie said...

hang-ganda-ganda ng pirma! ;)

RonTuron said...

ang haba ng post ko pirma yung napansin mo? nyahahahaha

o cge maganda pala ha... start forgin' that na! now na! hahaha

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | cna certification